Welcome

Sa kung sino mang napadpad dito sa blog/journal na ito, magandang araw! :D
Binabalaan ko lang kayo na paiba-iba ang wikang gamit/gagamitin ko, minsan sa iisang post ay nagbabago ang gamit kaya sana ay 'wag kayong magulat. (LOL)

Ang blog na ito ay ginawa ko para maging talaan ng mga karanasan at alaalang nabuo ko habang ako ay nasa UP. Kalakip ng mga alaala ay ang mga repleksyon at kung anu-ano pang random na mga bagay. :D

Gusto ko lang ding ilahad sa pahinang ito kung bakit ganito ang napili kong color scheme para sa kabuuan ng blog na ito. 
Ito kasi ang official school colors ng UP. :)
"Luntian at pula, sagisag magpakailanman" - linya mula sa UP Naming Mahal

No comments:

Post a Comment